Reading UP Diksiyonaryong Filipino
(TAGALOG) Produkto ang diksiyonaryong ito ng mahigit limang taong pananaliksik ng mga dalubhasa sawika na sumuyod sa halos lahat ng mahahalagang saggunian na matatagpuan sa Filipinas. Inipon ang mga katawagan sa sarisaring disiplina, tradisyonal na hanapbuhay, at makabagong larang, gay sa aeronautika, agham computer, agrikultura, anatomiya...at teatro. Bunubuo ito ng mahigit 100,000 lahok na salita na lumalagom sa iba't ibang wika sa Filipinas at sa mga modernong wika ng daigdig. Kabilang dito ang mga wikang katutubo gaya ng Abaknon, Agta, Bajaw...Filipino, Higa-onon, Hiligaynon, Ibang, Ibaloy, Igotor, Ilonggo...at Zambal. Kabilang naman sa mga wikang daigdig ang Arabiko, Espanyol, French, German, Greek, Ingles, Italian, Japanese, Latin, Malay, Portugese, Sanskrit, Swahili, Tino, at iba pa. Naglilinaw ang UP Diksiiyonaryong Filipino hinggil sa mga salitang ginagamit sa iba't ibang wika sa Filipinas, bukod sa pagsasaad ng mga tumpak na ispeling at estilo ng pagsulat.